DAPIT-HAPON



Oras na nang uwian
At ako ay nag-alala at baka maiwan
Kaya aming inapura na malinisan
Ang aming munting silid-aralan

Habang ako ay abala
Sa pagsasayos ng mga lamesa
Nakapukaw sa akin tainga
Ang boses na nakahahalina

Sa aking paglingon
Bumungad ay kagandahan
Na nagpabaha ng labis na kasiyahan
Sa aking pusong nanahimik sa nagdaang panahon

Ako ay iyong tinawag
Ako ay nabigla at baka maduwag
Ngunit ang matagal pananahimik ay aking binasag
At hinayaaan ang puso sa tuluyang pagibig

Tinanong mo sa akin,
Kung anong daan ang aking tatahakin
At saktong parehas lang pala tayo ng lalandasin
Kaya ang marahang paglilinis ay naging napakatulin

Sabay tayo na naglakad
Sabay tayo na naghangad
Na maulit pa ang ganitong sandali
Na tayo ay umuwi na magkasaby muli

Ito ang araw na muli akong sumaya
Ito rin ang araw na muli akong nangamba
Nangamba na baka maulit ang nakaraan
Nangamba na baka sa dulo ako na naman ay iiwan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TRAYDOR

KARIBAL