KARIBAL
Walang tayo, kaya okay lang sayo
Hindi ako parte ng buhay mo,
Kaya wala kang pakialam sa nararamdaman ko
Hindi ako seloso, pero naninigurado
At higit sa lahat ng bagay sa mundo,
Wala akong karapatan sa puso mo
Nakarating sa akin ang isang balita,
Na mayroon ka palang gustong binata
At matagal mo na siyang hinihintay na bumisita
Kaya pala ganoon na lamang ang aking pangamba
Tunay ang aking hinala,
Masasaktan din na naman pala
Maiiwan din na naman pala
Madudurog ang puso din na naman pala
Sinubukan ko sa iyo na tanungin
Kung totoo nga ba ang balitang iyon
Ngunit laking gulat ko ng iyong sambitin
Ang mga katagang, hindi mo siya gusto at kaibigan lamang ang iyong tingin.
Ako'y labis na naguluhan
Hindi alam kung sino ang papaboran
Ang balita ba na aking nadinig ng lantaran
O ang mga katagang iyong tinuran
Hindi ko pinakinggan ang aking isipan
Ang puso ay aking hinayaan
Upang ako ay payuhan
Kung sino ang aking papaboran
Ikaw ang pinili ng aking puso upang paniwalaan
Ngunit hindi ko alam ang saktong dahilan
Muli nanumbalik ang aking pagtingin
At patuloy na aasa sa iyong mga tinuran.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento