TRAYDOR
Sa paglipas ng mga panahon
Sa pagsilip ko sa mapait na nakaraan
Naaalala ko pa ang mga panahon
Ang mga panahon kung kailan
Kung kailan mo ako ibinaon
Ibinaon sa limot ng panahon
Akala ko ikaw ang dahilan
Kung bakit ako lumalaban
Ngunit katulad ka rin pala ng kalaban
Na kung manaksak ay talikuran
Isa ka lang pala na leksyon
Na ipinukol sa akin ng panahon
Sa nakalipas na daan-taon
Kay rami ng puso ang nasugatan
Kaya rami ng tao ang hindi nahagkan
Dahil ninakaw ang karapatan
Ang nag-iisang pangontra sa labis na kalungkutan
Alam mo kung ano, ang karapatang ipaglaban
Ipaglaban, paano ka ipaglalaban
Kung ang mismong tao na iyong pinahahalagahan
Ay nagawa kang kalimutan
At mas pinili ang ibang pangalan
At sa kamalasmalasan
Ang natatatangi mo pang kaibigan
Kaibigan na inakala mong magiging sandalan
Sa oras ng kagipitan
Ngunit saan siya ngayong oras ng iyong kalungkutan
Syempre nadoon sa walang kwenta mong karelasyon
At sila na ngayon ang tatawagin
Na magkarelasyon na bunga ng kataksilan.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento