ESTRANGHERO





Tik tak Tik tak
Sa bawat oras na lumilipas
Habang ako ay nakatanaw
Nakatanaw sa pinto ng silid-aralan
Ay kasabay ang yabag ng isang tao
Isang binibini na paparating

Pagpasok mo ay isang hudyat
Hudyat na nagpasimula nang mabilis na pintig
Pintig ng puso ko na matagal namahinga't naging bato
Ngunit ngayon ay tila hangin
Hangin na kay bilis gumalaw

Oo, kay bilis talaga
At ito ay dahil sayo
Nang ikaw ay tinitigan mula ulo hanggang paa
Aking napagtanto't natanong
Ikaw na nga ba ang matagal na hinintay?

Kung aking iisipin
At magbabalik-tanaw
Sa masalimuot na nakaraan
Nang araw na ako ay saktan
Nang nag iisang babae na tunay ko na minahal,
Aking magugunita ang mga huling kataga na aking tinuran,
Hinding hindi na muli ako magmamahal!

Ngunit hindi talaga mauutusan ang ating puso
Sa oras na ito ay tumibok nang dahil sa isang tao
Iisa lang ang gusto nito na sabihin,
Ang tao na iyon na ang para sayo
At kailangan mong gawin lahat para lamang sa kaniya.

Noong araw din na iyon
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy
Ako'y tumindig at naglakad patungo sa iyo
Ngunit sa sandaling kakausapin na kita
Kasabay nito ang pagpasok ng ating guro

Nasambit ko na lamang,
Sayang bakit hindi pa ngayon
Bakit hindi ko pa siya maaaring makilala,
Ngunit sabi nga sa kanta
"Kung tayo, tayo talaga"
Kaya hinayaan ko na lamang na tadhanan ang gumawa ng pagkakataon upang tayo ay magkakilala.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TRAYDOR

KARIBAL

DAPIT-HAPON