PANIMULA
Ngayon aking sisimulan
Isang mahabang tula
Isang tula na puno ng talinhaga
Isang kwento na ikaw ang bida
Isang nobela na nag-uumapaw sa ligaya, Noong una,
Noong unang beses kita na makita
Aking nasilayan ang isang anghel na lumapag sa lupa
Na kung aking ilarawan ay isang biyaya
Isang pagpapala na mula sa Dakilang Maylikha
Ang babae na magiging bida hindi lamang sa aking istorya,
Kundi pati sa aking pusong napuno ng ligaya
Ang dami ko nang pinagdaanan, tagumpay at kabiguan
Ngunit ngayon ko lamang nadama ang ganitong klaseng kasiyahan.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento