Mga Post

TRAYDOR

Imahe
Sa paglipas ng mga panahon Sa pagsilip ko sa mapait na nakaraan Naaalala ko pa ang mga panahon Ang mga panahon kung kailan Kung kailan mo ako ibinaon Ibinaon sa limot ng panahon Akala ko ikaw ang dahilan Kung bakit ako lumalaban Ngunit katulad ka rin pala ng kalaban Na kung manaksak ay talikuran Isa ka lang pala na leksyon Na ipinukol sa akin ng panahon Sa nakalipas na daan-taon Kay rami ng puso ang nasugatan Kaya rami ng tao ang hindi nahagkan Dahil ninakaw ang karapatan Ang nag-iisang pangontra sa labis na kalungkutan Alam mo kung ano, ang karapatang ipaglaban Ipaglaban, paano ka ipaglalaban Kung ang mismong tao na iyong pinahahalagahan Ay nagawa kang kalimutan At mas pinili ang ibang pangalan At sa kamalasmalasan Ang natatatangi mo pang kaibigan Kaibigan na inakala mong magiging sandalan Sa oras ng kagipitan Ngunit saan siya ngayong oras ng iyong kalungkutan Syempre nadoon sa walang kwenta mong karelasyon At sila na ngayon ang tatawagin Na magka...

KARIBAL

Imahe
Walang tayo, kaya okay lang sayo Hindi ako parte ng buhay mo, Kaya wala kang pakialam sa nararamdaman ko Hindi ako seloso, pero naninigurado At higit sa lahat ng bagay sa mundo, Wala akong karapatan sa puso mo Nakarating sa akin ang isang balita, Na mayroon ka palang gustong binata At matagal mo na siyang hinihintay na bumisita Kaya pala ganoon na lamang ang aking pangamba Tunay ang aking hinala, Masasaktan din na naman pala Maiiwan din na naman pala Madudurog ang puso din na naman pala Sinubukan ko sa iyo na tanungin Kung totoo nga ba ang balitang iyon Ngunit laking gulat ko ng iyong sambitin Ang mga katagang, hindi mo siya gusto at kaibigan lamang ang iyong tingin. Ako'y labis na naguluhan Hindi alam kung sino ang papaboran Ang balita ba na aking nadinig ng lantaran O ang mga katagang iyong tinuran Hindi ko pinakinggan ang aking isipan Ang puso ay aking hinayaan Upang ako ay payuhan Kung sino ang aking papaboran Ikaw ang pinili ng aking puso ...

DAPIT-HAPON

Imahe
Oras na nang uwian At ako ay nag-alala at baka maiwan Kaya aming inapura na malinisan Ang aming munting silid-aralan Habang ako ay abala Sa pagsasayos ng mga lamesa Nakapukaw sa akin tainga Ang boses na nakahahalina Sa aking paglingon Bumungad ay kagandahan Na nagpabaha ng labis na kasiyahan Sa aking pusong nanahimik sa nagdaang panahon Ako ay iyong tinawag Ako ay nabigla at baka maduwag Ngunit ang matagal pananahimik ay aking binasag At hinayaaan ang puso sa tuluyang pagibig Tinanong mo sa akin, Kung anong daan ang aking tatahakin At saktong parehas lang pala tayo ng lalandasin Kaya ang marahang paglilinis ay naging napakatulin Sabay tayo na naglakad Sabay tayo na naghangad Na maulit pa ang ganitong sandali Na tayo ay umuwi na magkasaby muli Ito ang araw na muli akong sumaya Ito rin ang araw na muli akong nangamba Nangamba na baka maulit ang nakaraan Nangamba na baka sa dulo ako na naman ay iiwan.

ESTRANGHERO

Imahe
Tik tak Tik tak Sa bawat oras na lumilipas Habang ako ay nakatanaw Nakatanaw sa pinto ng silid-aralan Ay kasabay ang yabag ng isang tao Isang binibini na paparating Pagpasok mo ay isang hudyat Hudyat na nagpasimula nang mabilis na pintig Pintig ng puso ko na matagal namahinga't naging bato Ngunit ngayon ay tila hangin Hangin na kay bilis gumalaw Oo, kay bilis talaga At ito ay dahil sayo Nang ikaw ay tinitigan mula ulo hanggang paa Aking napagtanto't natanong Ikaw na nga ba ang matagal na hinintay? Kung aking iisipin At magbabalik-tanaw Sa masalimuot na nakaraan Nang araw na ako ay saktan Nang nag iisang babae na tunay ko na minahal, Aking magugunita ang mga huling kataga na aking tinuran, Hinding hindi na muli ako magmamahal! Ngunit hindi talaga mauutusan ang ating puso Sa oras na ito ay tumibok nang dahil sa isang tao Iisa lang ang gusto nito na sabihin, Ang tao na iyon na ang para sayo At kailangan mong gawin lahat para lamang sa kaniya. ...

PANIMULA

Imahe
Ngayon aking sisimulan Isang mahabang tula Isang tula na puno ng talinhaga Isang kwento na ikaw ang bida Isang nobela na nag-uumapaw sa ligaya, Noong una, Noong unang beses kita na makita Aking nasilayan ang isang anghel na lumapag sa lupa Na kung aking ilarawan ay isang biyaya Isang pagpapala na mula sa Dakilang Maylikha Ang babae na magiging bida hindi lamang sa aking istorya, Kundi pati sa aking pusong napuno ng ligaya Ang dami ko nang pinagdaanan, tagumpay at kabiguan Ngunit ngayon ko lamang nadama ang ganitong klaseng kasiyahan.